Apat na tricycle driver sa Marikina City, nagpositibo sa COVID-19

Inihayag ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na apat lamang sa 5,465 tricycle drivers na sumailalim sa confirmatory PCR test ang nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina City.

Kahapon, sumalang din sa mass testing sa lungsod ang 4,312 mga manggagawa mula sa shoe industry at 1,600 na mga factory workers.

Habang ang lahat ng 1,997 na mga empleyado ng Marikina City Hall na nagtatrabaho bilang frontliners sa City Environmental Management Office, Public Safety and Security, City Health Office at City’s Engineering Office ay sumalang sa rapid testing.


Pagmamalaki ni Teodoro, ang Marikina ang may pinakamababang bilang ng kaso ng COVID-19 bago pa man isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Mayo akinse nang manguna ang Marikina City Government sa pagsasagawa ng COVID-19 test sa mga manggagawa sa lungsod.

Facebook Comments