Pasok pa rin ang apat na unibersidad sa Pilipinas sa 1,000 best institution sa buong mundo sa 2021 Quacquarelli Symonds (QS) World University Rankings na inilabas nitong Huwebes.
Ayon sa ulat, bumaba man ng 40 beses ay nangunguna pa rin ang University of the Philippines (UP) na nasa 396th place mula sa 356th sa 2020 rankings.
Habang sinundan naman ito ng Ateneo de Manila University na napanatili ang 601st hanggang 650th place nito at kapwa ring nanatili sa 800-1000th rankings ang De La Salle University at University of Santo Tomas (UST).
Kaugnay nito, tanging UST lamang ang institusyon na nakatanggap ng four-star rating mula sa apat na unibersidad para sa natatanging pasilidad , graduate employability, teaching, research, social responsibility, internationalization, at inclusiveness.
Sa kasalukuyan ay nananatili pa ring nangunguna sa rankings ang Massachusetts Institute of Technology para sa siyam na magkakasunod na taon.