Apat na volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Taal nitong nakalipas na 24 na oras.
Kabilang dito ang dalawang volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto at low-level background tremor.
Batay sa bulletin ng PHIVOLCS, umabot sa 7,015 tons ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan kahapon, mas mababa sa 10,718 tons na naitala noong huwebes.
Sa ngayon ay nananatili sa Alert Level 1 o low-level unrest ang Bulkang Taal.
Pero patuloy ang paalala ng PHIVOLCS na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa permanent danger zone partikular sa Taal Volcano Island at Daang Kastila.
Facebook Comments