Apat na wanted person ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Ilocos Sur kahapon, Nobyembre 26, 2025.
Unang naaresto ang isang 35-anyos na lalaki sa Vigan City sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong trespassing at kasalukuyang nasa kustodiya ng Vigan CPS.
Sumunod namang naaresto ang isang 84-anyos na lalaki sa San Vicente sa kaso ng Frustrated Murder na may inirekomendang ₱200,000 na piyansa, at kasalukuyang nasa kustodiya ng San Vicente PS.
Sa Sta. Cruz, isang 55-anyos na biyuda, na nagtitinda ng prutas, ang naaresto sa kasong Estafa na may ₱20,000 na pyansa, habang isang 58-anyos na biyuda naman ay naaresto sa kasong Theft na may piyansang ₱6,000.
Lahat ng mga naaresto ay nasa kustodiya ng kani-kanilang police stations habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.









