Wednesday, February 11, 2026

APAT NA WANTED, SUNOD-SUNOD NA NAARESTO SA PANGASINAN

Apat na indibidwal na may kinahaharap na iba’t ibang kaso ang magkakahiwalay na naaresto ng pulisya sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan noong Pebrero 10.

Sa Mangatarem, isang 38-anyos na electrician bandang ang timbog bandang alas-8:45 ng umaga sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries and Damage to Property na may itinakdang piyansa na ₱30,000.

Pagsapit ng hapon, isang 36-anyos na company driver naman ang timbog sa bayan ng Bugallon dahil sa Alias Warrant of Arrest para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, na may parehong halaga ng inirekomendang piyansa na ₱30,000.

Samantala, sa lungsod ng San Carlos City, nadakip bandang alas-6 ng gabi ang isang 38-anyos na welder para sa kasong Attempted Homicide na may inirekomendang piyansa na ₱36,000.

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Multiple Slight Physical Injuries and Damage to Property isang 32-anyos na construction worker matapos madakip sa Labrador bandang alas-8:20 ng gabi. Nakasaad sa warrant ng suspek ang parehong halaga ng piyansa na ₱36,000.

Ang apat na suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang istasyon ng pulisya habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa kanilang mga kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments