Apat na water tankers, ipinasakamay ng Canadian Red Cross sa PRC para makapaghatid ng malinis at inuming tubig sa mga naapektuhan ng lindol

Mas pinalakas pa ng Philippine Red Cross (PRC) at Canadian Red Cross (CRC) ang kanilang pagtutulungan sa pamamagitan ng donasyon ng CRC na apat na water tankers

Ang water tanker ay may kapasidad na mag-karga ng 12 thousand liters ng malinis at inuming tubig.

Pinangunahan nina PRC Chairman Richard Gordon, CRC President Conrad Sauve at Head of Asia Pacific Region Yunhong Zhang ang ceremonial turnover sa PRC national headquarters sa Mandaluyong City.


Ito ay isang token of cooperation sa pagitan ng PRC at ng kanilang katapat mula sa Canada para mapalakas ang water at hygiene capability ng PRC sa pagtugon sa mga biktima ng kalamidad.

Idi-deploy ang mga donasyong water tankers sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol.

Sa katunayan, nai-deploy na sa Davao de Oro ang isa sa mga water tanker na donasyon sa Philippine Res Cross.

Maliban sa donasyong water tanker, patuloy ang kooperasyon ng Canadian Red Cross sa PRC sa implementasyon ng Wash Development and Readiness Project nito na naglalayong malabanan ang pagkakalantad sa panganib ng kalusugan ng mga naninirahan sa mga bulnerableng komunidad.

Facebook Comments