Lingayen Pangasinan – Apat pa lang sa 1,082 na mga kumandidato sa lalawigang Pangasinan noong nakaraang eleksyon ang matagumpay na nakakapagsumite ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE). Ito ay sina 5th district board member Chinky Perez-Tababa, 3rd district board member Vici Ventinilla, 4th district board member Jeremy Rosario, at 2nd district board member candidate Maan Versoza.
Ayon kay Atty. Ericson Oganiza, ang Election Supervisor ng Pangasinan mahigpit nilang pinapaalalahanan ang lahat ng mga kumandidato noong nakaraang eleksyon nanalo man o natalo na mag-sumite ng kanilang SOCE upang makaiwas sa anumang kaso at multa alinsunod narin sa nakapaloob sa Section 4 ng Republic Act 7166. Kung nire-require ang lahat ng mga kumandidato na mag-sumite ng kanilang gastos noong panahon ng kampanya. Maaari kasing mag-multa ng mula P1,000 hanggang P10,000, hindi makakaupo sa posisyon o makatakbo sa susunod na eleksyon ang mapapatunayang lumabag dito.
Extended ang submission hanggang June 13, 2019 sa kadahilanang regular holiday ang June 12 na orihinal na last day of submission ng SOCE. Kumpyansa naman si Oganiza na tatalima ang mga kumandidato sa nasabing alituntuning itinakda ng batas.
Samantala wala pang natatanggap na electoral complaint ang kanilang ahensya maliban sa insidente ng vote buying at petition for disqualification.