Apat pang aktibong bulkan sa bansa, nagpapakita rin ng ilang aktibidad – PHIVOLCS

Pinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hindi lamang ang mga residenteng naninirahan malapit sa Bulkang Taal kung hindi sa ilang mga aktibong bulkan sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na sa ngayon ay nasa Alert Level 1 ang Bulkang Mayon sa Albay, Mt. Kanlaon sa Negros Island at Bulkang Pinatubo sa Zambales.

Ayon kay Solidum, ang kakaiba sa apat na ito ay ang Bulkang Pinatubo dahil nagpapakita aniya ito ng paggalaw ng fault sa malalim na bahagi.


Gayunman, wala pa namang magma activity na nangyayari dito.

Ang Bulkang Kanlaon naman aniya ay may posibilidad na magkaroon ng steam explosion.

Dahil dito, sinabi ni Solidum na bagama’t nasa Alert Level 1 pa lamang ang mga nabanggit na bulkan ay maigi pa ring mag-ingat at umiwas na lumapit dito.

Facebook Comments