Apat pang dagdag na sports, kabilang na sa 2021 Vietnam SEA Games

Ikinatuwa ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagkakasama ng apat pang sports sa gaganaping 2021 Vietnam Southeast Asian Games.

Kabilang na ang larong jiu jitsu, triathlon, bowling at e-sports sa 40 sports na naka-line up sa SEA games sa susunod na taon.

Ayon kay Tolentino, nagpapasalamat siya sa Vietnam Organizing Committee dahil inaprubahan nila ang kanyang kahilingan na idagdag ang mga nasabing sports.


Matatandaang, nakasungkit ng 11 gold medals ang Pilipinas sa larong jiu jitsu, triathlon, e-sports dahilan upang manguna ang bansa sa may pinakamaraming nakuhang gintong medalya noong 2019 SEA Games.

Facebook Comments