Nadagdagan pa ng apat ang kaso ng firework-related injuries (FWRIs) ngayong bisperas ng Bagong Taon.
Batay sa Department of Health (DOH), umabot na sa 30 ang kabuuang kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok.
Sa nasabing bilang, 13 ang nasugatan sa kamay; siyam sa ulo; walo sa mata; lima sa leeg at apat sa dibdib.
Nilinaw naman ng DOH na wala pang naitalang kaso ng fireworks ingestion at stray bullet injury.
Kasabay nito, hinikayat ng kagawaran ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok at gumamit na lang anila ng noise-makers at light emitting devices para sa ligtas at masayang pagsalubong ng Bagong Taon.
Facebook Comments