Apat pang indibidwal nanumpa bilang directors ng Maharlika Investment Corporations

May apat pang indibidwal ang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang mga bagong directors ng Maharlika Investment Corporations.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), ang mga bagong directors ng Maharlika Invesment Corporations ay sina Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco at Roman Felipe Reyes.

Si Tan ay una nang nagtrabaho sa executive positions sa iba’t ibang malalaking bangko sa bansa gaya ng Asian Development Bank mula 2002 hanggang 2021.


Habang sina Gan, Lichauco at Reyes namaj ay nanggaling din sa ilang malalakiny kumpanya sa Pilipinas at ibang ibang bansa.

Matatandaang una nang itinalaga ng pangulo si Rafael Consing Jr., bilang President at Chief executive officer ng Maharlika Investment Corporations.

Facebook Comments