Apat pang lugar sa QC, inilagay na rin sa special concern lockdown

Nadagdagan pa ang mga lugar sa Quezon City na inilagay sa Special Concern Lockdown dahil nakitaan ng mataas na bilang at clustering ng COVID-19 Cases.

Dahil dito, umakyat na sa 11 ang mga lugar na isinailalim sa special lockdown sa lungsod matapos madagdag ang Sitio Ruby sa Fairview, ang 5-A Cenacle Compound sa Brgy. Culiat, 223 Mariveles St. sa Paang Bundok at 238 Mayon Avenue sa Maharlika.

Base sa huling kalagayan ng mga city-owned hospital sa lungsod, tanging ang Novaliches General Hospital ang puno na ng COVID-19 patients.


Habang ang Rosario Maclang General Hospital na mayroong 31 total bed capacity ay may 23 pang naka-admit na pasyente.

95 naman ang sa QC General Hospital na mayroong 103 total Bed Capacity.

Bukod sa mga ospital, kaya pa ring tumanggap ng mga COVID-19 positive at suspected cases ang tatlong quarantine facility ng lungsod.

Facebook Comments