Apat patay sa drug operation sa bayan ng Tulunan North Cotabato

49

Apat katao ang patay ng manlaban sa raiding team na magsisilbi sana ng
search warrant sa bayan ng Tulunan sa lalawigan ng North Cotabato.

Kinilala ang mga namatay na suspect na sina Jerry at Johnrey Castillon,
John Ryan Lapastura at Angelito Cabalfin na mga residente ng Tulunan North
Cotabato. Bitbit ng Raiding team mula Cotabato Police Provincuial Office at
tulunan PNP ang mga search warrant laban sa mga suspek.

Ayon pa sa report nanlaban umano ang mga suspek ng pasukin ng raiding team
ang kani-kanilang mga pamamahay. Narekober naman ang mga armas sa kanila
tulad ng caliber 45 pistol, 38 revolver, mga fragmantation grenade at
kabuang sampung sachet ng mga pinaghihinalaang shabu.

Sa tindi ng tama ng mga suspek ay agad din silang binawian ng buhay
.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments