Apat, patay sa landslide sa Agoncillo sa Batangas

Apat ang patay kabilang ang isang buntis at siyam na taong gulang niyang anak sa landslide sa bayan ng Agoncillo sa Batangas dahil sa walang tigil na pag-ulan.

 

Batay sa report na nakarating sa Kampo Krame, nakilala ang mga nasawi na sina Denden Rimas, 27-anyos at buntis, ang anak nito na si Samantha, 9-na taong gulang.

 

Nakilala rin ang dalawang bata na sina Lyca, 16-anyos, at Aiza, 13-anyos na pinaniniwalaang kapatid ni Denden.


 

Nasa loob ng bahay na yari sa kawayan ang mga biktima nang mangyari ang landslide sa Barangay Subic Ilaya, Agoncillo.

 

Agad na nagkasa ng rescue operation ang lokal na pamahalaan ng Agoncillo ngunit wala nang buhay ng tanggapan ang mga biktima.

Facebook Comments