Apat sa kada limang Pilipino, naniniwalang mas lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan – SWS survey

Apat sa kada limang Pilipino ang naniniwalang mas lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 82% ng mga Pinoy ang nagsabing lumubha ang kalidad ng kanilang pamumuhay na inuri bilang mga “losers”.

Habang 11% ang nasabing hindi nagbago ang estado ng kanilang pamumuhay at 6% ang naniniwalang bumuti pa ang kanilang pamumuhay.


Samantala, ang -76 score nitong Setyembre 2020 na ikinokonsidera ng SWS bilang ‘catastrophic’ ay itinuturing na “worst trends” sa SWS survey history.

Nabatid na June 2008 pa nang huli silang makapagtala ng catastrophic level dahil sa naranasang pagtaas sa presyo ng bigas at langis.

Matatandaang bumulusok ang ekonomiya ng Pilipinas sa 16.5% sa second quarter na nagresulta ng recession kasunod ng pagpapatupad ng bansa ng pinakamahaba at pinakamahigpit na lockdown sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments