Lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na apat sa limang bakunadong Pilipino ang nais magpaturok ng COVID-19 booster shot.
Ayon sa SWS survey noong December 2021, 80% ng mga respondent ang nagsabing pumapayag sila na maturukan ng booster dose kung saan 73% dito ang siguradong-sigurado na at 7% lamang ang may kaunting pag-aalinlangan.
Samantala, 7% naman ang tumangging magpa-booster dose habang 13% ang hindi pa nakakapagpasya tungkol dito.
Sa ngayon ay umabot na sa 6.85 million na Pilipino ang nakatanggap ng booster shot.
Matatandaang nagsimula ang pagtuturok nito sa publiko noong November 2021 para sa karagdagang proteksyon sa COVID-19.
Facebook Comments