Apat sa pitong pasaherong Maute na pinigil sa NAIA, may derogatory record sa ISAFP

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Immigration at ISAFP na may derogatory record sa militar ang apat sa pitong pasaherong Maute na pinigil sa NAIA 3.

Sila ay sina Abdulrahaman Maute, Al Nizar Maute, Asharya Maute at Yasser Maute.

Habang patuloy namang ini-imbestigahan ng Bureau of Immigration at ISAFP ang tatlo pang pasaherong Maute na sina Abdulchahar Maute, at mga kaanak na sina cota Mawiyag at Acmali Mawiyag.


Patungo sana sila ng Malaysia sakay ng Cebu Pacific nang pigilin ng Bureau of Immigration sa NAIA 3.

Samantala si Aziz Maute na patungo sana kaninag umaga ng Riyadh Saudi Arabia ay napatunayan ng BI at ISAFP na ito ay lehitimong OFW.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments