World – Libo-libong residente ang hindi pa rin makauwi sa kanilang mga tahanan dahil sa mag-iisang buwan nang wildfire sa Canada.
Ayon sa mga otoridad, nasa isandaan limamput siyam (159) na lugar pa rin ang nasusunog sa british Columbia na tinatayang nasa isandaan walumput walong libong (188,000) ektarya ng kagubatan at kalupaan.
Anim napu (60) pa lang sa mga ito ang idineklarang ‘out of control’.
Kahit may mga nakauwi na, apat napung libo (40,000) residente pa rin ang nasa evacuation centers.
Nasa 3,000 bumbero at 200 helicopter at fire-fighting planes ang nagtutulungan upang maapula ang wildfire, kasama ng mga reinforcements na nanggaling pa sa iba’t ibang bahagi ng Canada.
Facebook Comments