Nakinabang bilang benepisyaryo ang nasa apatnapung magsasaka sa Mangaldan partikular sa Brgy. Alitaya sa Research Project ng Department of Agriculture (DA) na Ilocos Research for Development Initiative and Support Enhancement for Rice o “I Rise 4 Rice”.
Naglalayon ang naturang proyekto na mapataas pa ang rice productivity at profitability ng sampung porsyento lalo na sa mga irrigated rice cluster areas.
Nais rin ng ahensya na makapag-institutionalize ng alituntunin ukol sa rice research production at marketing sa mga magsasaka.
Magkakaroon ng monthly monitoring at evaluation sa mga pananim ng mga magsasaka kaya naman nais ng ahensya na magkaroon ng kooperasyon ang mga magsasaka lalo sa pagrerecord ng sitwasyon o mga isyu pagdating sa kanilang mga pananim para makatulong sa kanilang pananaliksik. |ifmnews
Facebook Comments