Apatnapung pamilya, nawalan ng tirahan matapos masunugan sa barangay 46, Tramo sa Pasay

Manila, Philippines – Apatnapung pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang isang residential area sa barangay 46, Tramo sa Pasay.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, alas-9:00 kagabi ng magsimula ang sunog sa kwarto ng isang Nano Hernandez kung saan mabilis na lumaki ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa nasa 20 bahay bago ito nakontrol pasado hatinggabi.


Hindi pa din makumpirma ng BFP ang mga ulat na may dalawang bata ang nawala sa sunog.

Inaalam pa rin kung may nasaktan sa insidente at kung magkano ang halaga ng mga nasirang ari-arian.

DZXL558

Facebook Comments