APATNAPU’T – PITONG KATAO SA SAN CARLOS CITY, NAKARANAS NG PANANAKIT NG TIYAN MATAPOS UMANONG MA-FOOD POISON

Labis-labis ang paghingi ng tawad ng isang babaeng birthday celebrant sa Brgy. Bacnar sa Lungsod ng San Carlos matapos itong umorder online ng pagkain na nagdulot ng pananakit ng tiyan ng mga bisita nitong kumain ng naturang handa.
Ayon sa CHO, kabuuang 47 katao ang apektado, labing tatlong katao naman ang isinugod sa pagamutan dahil sa matinding pananakit ng tiyan at nakaranas ng LBM, Abdominal pain at pagsusuka.
Kinumpirma ng City Health Office San Carlos na mayroong sintomas ng food poison ang pagkaing “seafood” na inorder online ng babae matapos magsagawa ng imbestigasyon ang CHO sa mga biktima.

Samantala, napag-alaman na sa bayan ng Mapandan inorder ang pagkain kung saan agad namang nakipag-ugnayan ang CHO sa RHU Mapandan ukol sa insidente.
Sa ngayon nagkaroon na ng pag-uusap ang pinagbilhan ng pagkain at mga biktima kung saan nagbigay na ito ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot ng mga biktima.
Nagpaalala naman ang mga CHO sa mga nagbebenta online ng pagkain na siguraduhing sariwa at malinis ang mga ibinibentang pagkain upang hindi na humantong sa ganitong insidente. |ifmnews
Facebook Comments