Apayao, Naitala ang 125 COVID-19 cases sa loob ng isang Araw

Cauayan City, Isabela- Naitala ng probinsya ng Apayao ang 125 na positibong kaso ng COVID-19 cases ngayong araw, August 12, 2021.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng tinamaan ng virus sa loob lamang ng isang araw ng magsimula ang pandemya.

Ang naturang bilang ay isasailalim pa sa validation at posibleng magbago ang bilang na ito.


Kaugnay nito, karamihan sa mga naitalang kaso ngayon ay mula sa bayan ng Luna kung saan 59 ang positibong kaso, Pudtol na may 25, Sta. Marcela na 23, Kabugao na may 11, Conner na may 4 at Flora na may 3.

Hinimok naman ng Apayao Provincial IATF ang mga taong posibleng nakakaranas ng sintomas na mayroong exposure sa mga positibong pasyente na makipag-ugnayan sa Rural Health Unit para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments