APEC SUMMIT | PRRD, bibiyahe din ng Papua New Guinea pagkatapos ng Singapore

Singapore – Pagkatapos ng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit sa Singapore na magsisimula ngayong araw hanggang November 15 ay dadalo din si Pangulong Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit na gagawin naman sa Papua New Guinea na magsisimula naman sa November 17 hanggang November 18.

Sa briefing sa Malacañang ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, bukod sa mga dadaluhang APEC meetings ni Pangulong Duterte ay nakatakda din nitong harapin ang Filipino community sa PNG para alamin ang sitwasyon ng mga ito at magbigay ng mga magagandang balita na nangyayari sa bansa.

Pero hindi din naman alam pa ni Abella kung mayroong nakapilang bilateral meeting si Pangulong Duterte kasama ang ilang economic leaders pero mayroon naman aniyang mga dialogue.


Paliwanag ni Abella, posibleng mayroong mga request for bilateral meetings para sa Pangulo.

Hindi din naman mabanggit ni Abella kung sinu-sinong gabinete ang makakasama ng Pangulo pero ang tiyak aniya na makakasama nito ay si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., Trade Secretary Ramon Lopez at Finance Secretary Sonny Dominguez na mga kasama din ni Pangulong Duterte sa ASEAN sa Singapore.

Facebook Comments