APEC SUMMIT | PRRD, lumipad na patungong Papua New Guinea

Patungo nang Papua New Guinea si Pangulong Rodrigo Duterte at kaniyang mga gabinete matapos dumalo sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore.

Ito ay para dumalo naman sa 19th Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa November 16 hanggang 18.

Bago umalis, naisingit pa ng Pangulo ang bilateral meeting kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.


Nauna nang sinabi ng Pangulo na nais niyang talakayin kay Abe ang pagbuo ng code of conduct sa West Philippine Sea, trade and commerce at mga nangyayari sa Korean Peninsula.

Facebook Comments