APEC Summit sa Peru sa susunod na linggo, hindi dadaluhan ni PBBM

Hindi dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa Lima, Peru.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communication Office (PCO) acting Sec. Cesar Chavez.

Ayon kay Chavez, tututukan ng Pangulo na tugunan ang domestic concerns at ang mga kalamidad na tumatama sa bansa.


Kaugnay nito ay nagtalaga na lamang ang Pangulo ng kaniyang kinatawan sa katauhan ni Department of Trade and Industry (DTI) acting Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque na magiging Special Envoy sa APEC Leader’s Week.

Gaganapin ang APEC Summit sa November 10 hanggang 16 ngayong 2024.

Facebook Comments