Inaasahang isusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang regional cooperation at pagpapalakas ng trade and security sa pagdalo nito sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin simula bukas, November 17 at 18.
Inaasahang darating ngayong umaga ang Pangulo sa Port Moresby sa Papua New Guinea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – makakasama ng Pangulong Duterte ang 20 iba pang Pacific Rim leaders para sa tatalakayin ay mga problemang kinakaharap ng mga bansa sa rehiyon.
Kabilang na ang terorismo, pamimirata sa karagatan at radikalismo.
Dadaluhan din ng Pangulo ang ilang events sa APEC Summit:
Sa November 17, magkakaroon ng: APEC Leaders’ Family Photo; APEC Business Advisory Council (ABAC) Dialogue; ABAC Dialogue Breakout Session; APEC Leaders’ Dialogue kasama ang Pacific Island Leaders; APEC Leaders and Spouses Family Photo; APEC Economic Leaders Gala Dinner and Cultural Performance.
Sa November 18 naman ay makikipagpulong ang Pangulo sa iba pang APEC leaders para sa official family photo, na susundan ng dayalogo kasama ang international monetary fund.
Magkakaroon din ng retreat session at working lunch.
Dagdag pa ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Ernesto Abella, inaasahan ding makikipagkita ang Pangulong Duterte sa Filipino community sa Papua New Guinea.
Sa tala ng DFA, 40,000 ang mga Pilipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Papua New Guinea.
Inaasahang babalik ang Pangulo sa Pilipinas partikular sa Davao City, Linggo ng gabi (November 18).