Manila, Philippines – Posibleng maapektuhan ang relasyon ng Pilipinas sa bansang Kuwait matapos ang pagpapatupad ng Total Deployment Ban ng mga OFWs ng Department of Labor and Employment (DOLE), ito ang sinabi ni Kuwaiti Foreign Minister Sabah Khalid Al Sabah.
Ayon kay Khalid, ikinalungkot nila ang naging desisyong ito ng Pilipinas, ngunit sinabi rin nito na sa 170 thousand na mga Pilipinong naninirahan sa Kuwait, kakaunti lamang dito ang nakaranas ng hindi inaasahang insidente.
Gayunpaman, umaasa aniya ang kanilang bansa, na masosulusyunan pa ang isyung ito lalo’t handa naman aniya silang makipagtulungan.
Sinabi pa ng foreign minister na ibinabahagi nila sa mga awtoridad ng Pilipinas ang kinalalabasan ng mga isinasagawa nilang imbestigasyon, kaugnay sa kaso ng mga OFWs na naabuso at minaltrato sa kanilang bansa.