Manila, Philippines – Dismayado ang pamunuan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa ipinatupad na excise tax sa fuel dahil malaking epekto umano sa sugar industry.
Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila, sinabi ni SRA Member Atty. Emiliano Bernardo Yulo ang enforcement power ay nasa Department of Trade and Industry (DTI) at wala sa kanilang ahensiya pero sila umano ang sinisisi ng publiko.
Dagdag pa ni Atty. Yulo na lubha umanong apektado sa ipinatupad na excise tax ng fuel ang sugar industry kaya at nararapat lamang na magtaas rin sila ng presyo ng asukal sa merkado.
Paliwanag naman ni Laban Konsyumer Inc. President Atty. Vic Dimagiba, masamang panaginip ang impact sa mga consumer sa ipinatupad na excise tax ng fuel.
Para sa kanila, anila ang importante ay makakolekta sa buwis pero hindi pinag-aaralan ng husto ang impact ng naturang pagtaas ng buwis sa mga pangunahing bilihin.