Manila, Philippines – Umabot na sa 48,000 pamilya o katumbas ng 178,000 na indibidwal ang naapektuhan ng hagupit ng bagyong Ompong.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 24,000 pamilya ang nasa evacuation centers sa Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Cordillera.
Ayon kay Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Hope Hervilla – sapat ang supply ng relief goods na tatagal ng isang linggo.
Magpapadala sila ng karagdagang supply simula bukas, Sept. 17.
Umaapela ang DSWD sa mga nais na mag-volunteer sa pagre-repack ng tulong na ipapadala sa mga apektado ng bagyo partikular sa Northern Luzon.
Facebook Comments