Manila, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang buong siyudad ng Ormoc dahil sa bagyong Urduja.
Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez – inaprubahan ang resolusyon na ilagay ang buong siyudad ng Ormoc sa state of calamity batay na rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).
Bukod sa Ormoc, nasa State of Calamity din ang Tacloban City.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity, umiiral ang price freeze sa lahat ng mga basic commodities sa lahat ng mga apektadong lugar.
Facebook Comments