Dinanas ng mga mahihirap na Pilipino ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin nitong Agosto.
Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation sa 30% ng mga pinakamahihirap na households ay tumaas ng walong porsyento nitong Agosto.
Ito na ang walong magkakasunod na buwan na pagtaas ng consumer prices ngayong taon.
Ang mga mahihirap na nakatira sa National Capital Region (NCR) ang lubos na nakaramdam ng pagtaas ng presyo na nasa 8.3%, habang ang mga mahihirap na nasa labas ng kabisera ay nakaramdam ng inflation na nasa 8%.
Sa ngayon, inilatag na ng gobyerno ang mga hakbang nito para maibsan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin partikular ang pagpapatupad ng rice tariffication.
Facebook Comments