Sumampa sa 140,101 pamilya o katumbas ng mahigit 515,000 indibidwal ang naaapektuhan ng Bagyong Goring, Bagyong Hanna at habagat sa bansa.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Nagmula ang mga apektadong residente sa 1,756 na mga barangay sa Regions 1, 2, 3, 6, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.
Nasa 915 pamilya o mahigit 3,200 indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 52 evacuation centers.
Nananatili rin sa dalawa ang naiulat na nasawi, isang sugatan at isa ang nawawala.
Samantala, nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno kabilang na ang ready to eat food, family food packs, family kit, hygiene kit, at financial assistance.
Facebook Comments