
Umabot na sa mahigit 46,000 indibidwal ang apektado ng pinagsamang epekto ng shear line at Bagyong Verbena.
Ayon sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kabuuang 46,923 na indibidwal o 15,363 na pamilya sa 44 na barangay ang naapektuhan ng nasabing bagyo sa rehiyon ng CARAGA.
Samantala nasa 485 na pamilya o katumbas ito ng 1,966 na indibidwal ang nananatili sa 19 na evacuations centers sa nasabing rehiyon.
Kaugnay nito, tatlong kalsada mula sa Region 6 at CARAGA ang kasalukuyang hindi nadadaanan.
Habang nasa 59 na pantalan naman ang kasalukuyang non-operational o kanselado ang byahe mula sa MIMAROPA, Region 6, NCR, Region 7 at CARAGA.
Sa ngayon ay nakataas na sa Red Alert Status ang Region 6 at Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council dahil sa Bagyong Verbana.









