Manila, Philippines – Umaalma ang mga magsasaka sa pag-angkat ng National Food Authority (NFA) ng bigas.
Darating na sa susunod na buwan ang 250,000 metriko toneladong bigas na inangkat ng NFA na sasabay sa panahon ng tag-ani kung saan 3.5 milyong metrikong toneladang palay ang aanihin ng mga magsasaka.
Ayon sa mga grupong National Federation of Peasant Women (amihan) at bantay bigas, babagsak ang presyo ng kanilang palay habang mataas ang puhunan nila sa pagtatanim.
Gusto nilang magbenta ng palay sa NFA pero mababa ang bili ng ahensiya na nasa P17 o P18 pesos kada kilo lamang.
Nauna nang ihayag ng NFA na kailangan nilang mag-angkat ng bigas dahil ramdam ang kakulangan nito sa maraming lugar.
Facebook Comments