Manila, Philippines – Apektado na ang presyo ng isda at gulay dahil ng Bagyong Urduja.
Batay sa price monitoring ng RMN, tumaas na ng P20 hanggang P30 ang presyo sa kada kilo ng bangus, tilapia at galunggong.
Umabot naman sa P100 ang itinaas sa kada kilo ng maya-maya.
Sinasabing dalawang araw na walang dumadating na mga huling isda mula Visayas partikular sa Samar, Iloilo, Tacloban at Bicol Region.
Aabot naman sa P150 ang kada kilo ng luya habang P60 naman ang presyo ng kamatis at kalamansi mula sa dating P50.
Inaasahang tataas pa ang presyo ng mga ito lalo ngayong holiday season.
Facebook Comments