APEKTADO RIN | Inflation – may epekto rin sa nutrisyon ng mga batang Pinoy

Manila, Philippines – Hindi lang dagok sa bulsa, dahil apektado rin ng inflation ang child nutrition sa bansa.

Ayon ito sa United Nations Children’s Fund o UNICEF.

Sabi ni UNICEF Country Representative Lotta Sylwander – 33 percent ng mga batang Pinoy na may edad lima pababa ang nakararanas ng stunted growth habang 21.5 percent ang underweight o kulang sa timbang.


Ayon sa World Health Organization (WHO) – tanda ng malnutrisyon sa mga bata ang stunting o pagka-bansot, wasting o pagka-payat, underweight at overweight.

Sabi naman ng nutritionist na si Dr. Rene Galera – may pag-aaral raw na 4.5-million us dollars kada taon ang nawawala sa productivity ng mga pinoy dahil sa kawalan ng nutrisyon.

Aminado naman ang National Economic Development Authority (NEDA) na may epekto ang inflation sa kalusugan at nutrisyon ng Pilipino, pero hindi raw dapat isisi sa TRAIN law ang inflation.

Sinisikap na rin daw ng gobyerno na pababain ang presyo ng pagkain kabilang ang pagpondo sa industriya ng agrikulutra para matiyak ang productivity at food security sa bansa.

Facebook Comments