Apektadong  magsasaka dahil sa nararanasang El Niño umabot na sa mahigit 164 na libo ayon sa NDRRMC

Sumampa na sa 164, 672 mga magsasaka ang apektado ng nararanasang El Niño.

Batay ito sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa kanilang monitoring naitala ang mga magsasakang lubhang apektado ng tagtuyot sa mga rehiyon ng Cordillera Administrative Region, region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, region 5,6,8,9,10,11,12 at Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao.


Batay pa sa datos ng NDRRMC tinatayang mahigit limang milyong pisong halaga ng mga pananim ng mga magsasakang ito ang nasira na dahil sa nararansang tagtuyot.

Marami na sa mga nasirang pananim ay saregion 2 kung saan umabot na sa mahigit 76 na ektarya ng sakahan ang natuyot.

Facebook Comments