APEKTADONG RESIDENTE SA NAGAGANAP NG ROAD ELEVATION SA DAGUPAN CITY, NAIS UMANONG MAPATIGIL ANG KONSTRUKSYON NG PROYEKTO KAHIT PA NAUMPISAHAN NA ITO

Kung ang tatanungin ay ang mga apektadong residente sa kasalukuyang konstruksyon ng proyekto ng DPWH na Road Elevation at Drainage Upgrades sa mga main roads ng Dagupan City ay nais nilang ipatigil umano ang nasabing konstruksyon.
Matatandaan na sa naganap na unang pormal na Public Consultation, ilan sa mga ito ay iminungkahi ang paghain ng Temporary Restraining Order o ang TRO, kung ito raw umano ang isa sa aksyong kakailanganin upang mapatigil ito.
Ilang mga kawani na rin ng iba’t-ibang mga establisyimento, kumpanya maging mga universities ang nagpahayag ng hinaing sa negatibong epekto nito lalo na sa kanila, kanilang mga empleyado at estudyante.

Habang ang iba ay di sang-ayon, sinang-ayunan naman din ito ng iba at suportado ang mga proyektong pinaniniwalaang makatutulong upang masolusyunan ang problemang pagbaha sa Dagupan City.
Samantala, sa ikatlong pagkakataon, magkakaroon muli ng Public Consultation bukas August 23, 2023 sa Sanggunian Panlungsod Session Hall kasama ang inimbitang guest, Taxpayers at concerned Dagupeños. |ifmnews
Facebook Comments