Maituturing nang moot and academic o balewala na ang kahilingan ng ABS-CBN na temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema.
Ayon sa ilang legal luminaries na ayaw ng magpabanggit ng kanilang pangalan, nagpaso na ang prangkisa ng network at nagsara na o hindi na rin nag-o-operate ang ABS-CBN kaya’t wala nang pangangailangan ng TRO.
Ang dapat anilang ginawa ng ABS-CBN ay agad na dumulog sa korte matapos matanggap ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) at nagpatuloy lamang sa operasyon habang wala pang aksyon ang Supreme Court sa kanilang apela.
Pinayuhan din ng nasabing legal minds ang ABS-CBN na kalampagin ang Kongreso na siyang may sole jurisdiction sa pagkakaloob at sa renewal ng mga prangkisa.
Facebook Comments