Apela ng ABS-CBN sa Korte Suprema, hindi natalakay sa Special En Banc session kanina

Hindi natalakay sa Special En Banc Session ng Korte Suprema ang petisyon ng ABS-CBN Corporation na humihiling na pigilan ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission o NTC na nagpapatigil sa operasyon ng network.

Maging ang petisyon na humihiling na palayain ang mga presong may high-risk sa COVID-19 ay hindi rin natalakay sa special session.

Na-reset din ang pagtalakay sa petisyon na humihiling na isiwalat sa publiko ang tunay na kalagayan ng Pangulong Duterte.


Ang tanging natalakay sa special session ng mga mahistrado ay ang pagreretiro ni Justice Andres Reyes Jr.

Partikular ang isang pribadong seremonya sa pamamagitan ng video conferencing.

Si Justice Reyes ay magdiriwang ng kanyang ika-70 kaarawan sa May 11 na siyang mandatory age retirement ng isang mahistrado ng Supreme Court.

Facebook Comments