Apela ng Go-Jek na makapag-operate sa bansa, hindi pinagbigyan

Manila, Philippines – Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang application ng Indonesia ride-hailing firm na “Go-Jek” na makapag-operate bilang Transport Network Company (TNC) sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), hindi tinanggap ng LTFRB ang bid ng Velox Technology Philippines Inc. bilang TNC dahil sa bigo itong pumasa sa nationality requirements ng foreign ownership laws ng bansa.

Ang Velox Philippines ang local subsidiary ng Go-Jek.


Binanggit ng DOTr na nakasaad sa Article 12, Section 11 ng 1987 constitution na walang prangkisa, sertipikasyon, o anumang uri ng authorization para sa operation ng isang public utility ang igagawad sa korporasyon o asosasyon na hindi 60% Filipino-owned.

Bigo rin ang Velox na magprisinta ng kinakailangang dokumento tulad ng proof of payment capital gains tax (CGT) at proof of payment of subscribes shares.

Sinabi ni LTFRB Chairperson Martin Delgra III – dapat masunod ang 60-40 requirement ng batas para makapag-operate ang TNC sa bansa.

Dagdag pa ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Richmund De Leon – hindi nanghihimasok ang DOTr sa desisyon ng LTFRB.

Mahalaga aniya ang buhay at kaligtasan ng mga pasahero kaya nararapat lamang na tumatalima sa batas at mga regulasyon.

Facebook Comments