Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang apela ng Zamboanga City na ipabilang ang kanilang lungsod sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang May 14, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, inaprubahan din ng IATF ang pagpapasailalim sa Tacloban City sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) hanggang May 31, 2021.
Samantala, ang mga indibidwal na nasa edad 15-17, at 65 years old pataas ay papayagan na ring makalabas ng kanilang tahanan, upang makibahagi sa paggulong ng registration process ng Philippine Identification System (PhilSys).
Ibig sabihin, hindi na maaaring lumabas para sa ibang dahilan ang mga nabanggit na edad, maliban na lamang kung para din ito sa pagkuha ng mga essential goods o services.