Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na agad nitong dedesisyunan ang apela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa exemption ng pamamahagi ng fuel subsidy at pagpapatupad ng Service Contracting Program.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia, pinagsumite na nila ng position paper o memorandum ang LTFRB at sa ngayon ay pinag-aaralan na ito ng komisyon.
Dagdag pa ni Garcia na inaaasahang sa Miyerkules ay maisusumite na sa en banc ang rekomendasyon tungkol dito at sa Huwebes ay mag-aanunsyo sila kung ano ang aksyon na ipatutupad ng COMELEC sa hiling ng LTFRB.
Tiniyak naman ni Garcia na hindi nila patatagalin ang desisyon tungkol sa hiling na exemption ng LTFRB dito dahil importanteng maipamahagi na ang fuel subsidy sa sektor ng transportasyon.