Apela ng mga mamamahayag na sina Maria Ressa at Reynaldo Santos Jr., sa cyberlibel conviction, binasura ng CA

Hindi pinagbigyan ng Court of Appeals ang apela nina Rappler CEO Maria Ressa at Reynaldo Santos Jr., na ibasura ang cyberlibel conviction laban sa kanila.

Partikular ang hatol hanggang 6 na taong pagkakabilanggo na iginawad ng Manila Regional Trial Court Branch 46 noong June, 2020.

Nag-ugat ang kaso sa article ng Rappler noong 2012 laban kay businessman Wilfredo Keng kung saan iniuugnay ito kay dating Chief Justice Renato Corona sa kasagsagan ng impeachment case ng dating punong mahistrado.


Balak naman ng kampo ni Ressa na iakyat sa Korte Suprema ang hatol laban sa kanila.

Facebook Comments