Apela ng mga senior citizen sa Marikina City na bigyan sila ng ‘doxycycline’ para sa ‘leptospirosis’ agad na tinugunan ni Mayor Marcy Teodoro

Ipinag-utos na ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang agarang distribusyon ng doxycycline tablet para sa lahat ng mga residenteng biktima ng pagbaha lungsod.

Ito ay para malabanan ang nagbabantang panganib na dulot ng leptospirosis.

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Teodoro kasunod ng apela ng mga senior citizen na nakatira sa Purok 7 sa Barangay Malanday, Marikina City.


Ayon kay Mayor Teodoro, hindi lang sa Barangay Malanday kundi ang lahat ng barangay ay pagkakalooban ng libreng doxycycline.

Umaapela rin ang alkalde sa lahat ng mga Chairman ng Barangay at maging sa mga Organisasyon na magtungo lamang sa City Health Office kung wala sa kanilang health center para mabigyan ang lahat ng kumpletong suplay sa loob ng 5 araw.

Paliwanag ni Mayor Teodoro, sapat ang suplay ng gamot sa lungsod dahil nagpabili na ang lungsod isang araw matapos tumama ang Bagyong Ulysses ay agad na nagpabili ng suplay.

Dagdag pa ng alkalde, ang doxycycline ay gamot sa leptospirosis na kalimitang umaatake sa panahon ng tag-ulan lalo na kung baha o maputik ang lugar na nahaulan ng ihi ng pesteng daga.

Facebook Comments