Manila, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Court of Tax Appeals 1st Division ang apela ng Rappler Holdings Corp. at ni CEO Maria Ressa kaugnay sa hiling nito na maibalik sa Department of Justice (DOJ) ang mga kinakaharap nitong kaso ukol sa P70 million tax deficiency.
Base sa resolusyon ng korte sapat ang impormasyon laban kay Ressa para maharap ito sa mga kasong paglabag sa Sections 254 at 255 ng 1997 National Internal Revenue Code.
Pirmado nina Presiding Justice Roman Del Rosario at Associate Justices Esperanza Fabon Victorino at Catherine Manahan ang resolusyon.
Na-promulgate ang resolusyon noong February 7 pero noong February 12 lamang natanggap ng mga abogado ni Ressa ang kopya nito o isang araw bago siya arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa kaso niyang cyber libel.
Nahaharap si Ressa sa tatlong kaso ng paglabag sa Section 255 o ang failure to file return, supply correct information and pay remit taxes at isang kaso ng paglabag sa Section 254 o Tax Evasion.