Apela ni Coach Aldin Ayo, nasa desisyon na ng UAAP Board of Trustees

21

Hawak na ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Board of Trustees ang letter of appeal ni dating University of Santo Tomas (UST) Coach Aldin Ayo hinggil sa indefinite ban na ipinataw sa kaniya.

Ito’y kaugnay sa umano’y bubble training na isinagawa ni Ayo sa mga player ng UST sa Sorsogon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nabatid na mismong ang management ng UST ang nagbigay ng sulat ni Ayo kung saan kasalukuyan na itong pinag-aaralan ng UAAP Board of Trustees.

Umaasa si Ayo na pag-aaralan ng UAAP Board ang kaniyang apela lalo na’t lumalabas sa report ng Sorsogon City Police at ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon na wala itong nilabag na health protocols na inilatag ng pamahalaan taliwas sa imbestigasyon ng UST fact-finding committee.

Facebook Comments