Manila, Philippines – Tuloy ang paglilitis kay Senador Antonio Trillanes sa kasong rebelyon.
Ito ay matapos hindi paboran ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ang apela ng senador na ipabasura ang pagpapaaresto sa kaniya.
Pinanindigan ni Judge Elmo Alameda ang desisyong muling buhayin ang na-dismiss na noong kasong rebelyon laban kay Trillanes kaugnay sa 2007 Manila Peninsula seige.
Batay rin sa anim na pahinang desisyon ng hukom, hindi nakumbinsi ni Trillanes ang hukom na nakapaghain ng amnesty application ang mambabatas.
Sinabi rin ng hukuman na mananatili ang bisa ng Proclamation no. 75 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang-bisa sa amnesty na ibinigay kay Trillanes ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Facebook Comments