Apelang academic ease ng mga mag-aaral, pagpupulungan ng mga mga kolehiyo at lokal na opisyal ng Baguio

Magsasagawa ng pulong ang mga kinatawan ng iba’t ibang kolehiyo sa Baguio City kasama ang mga local official, upang tugunan ang apelang academic ease ng mga mag-aaral.

Kasunod ito ng liham ng student councils ng Saint Louise University, University of Baguio, University of Cordilleras, at UP-Baguio na humihiling ng academic break.

Ayon kay Baguio Representative Mark Go, magkakaroon ng diyalogo sa mga tertiary school kasama si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.


Bilang chairperson naman ng House Committee on Higher and Technical Education, batid ni Go ang hirap ng mga estudyante sa kasalukuyang learning modality bunsod ng health crisis.

Dagdag pa dito ang problema sa mental health at tumataas na bilang ng suicide cases.

Bukod sa academic break, hahanapan din ng isang holistic solution ang problema ng mga mag-aaral maging ang mga guro at kabuuang academic institution.

Facebook Comments