Sinuportahan na ni dating National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Tony Leachon ang apelang ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa kalagitnaan ng Nobyembre.
Ayon kay Leachon, bagama’t patuloy na gumaganda ang COVID-19 trend sa National Capital Region (NCR), kailangan itong paghandaan ng mga Local Government Unit (LGU).
Aniya, kailangan pa ring palakasin ng mga LGU ang COVID testing and tracing para hindi na muling tumaas ang mga kaso ng nakakahawang sakit lalo’t posible ang breakthrough infection sa mga bakunado na.
Sa kabila nito, tutol naman si Leachon na ibaba ang quarantine classification sa mga probinsya lalo’t mababa pa ang kanilang vaccination rate.
Facebook Comments